BUDOLCON PH 2025!
πͺ BUDOLCON PH 2025: ANG KONFERENSIYANG DI MO KAILANGAN, PERO SILA ANG KIKITA. π
π€ Mga tagline nila:
“Invest in yourself!” (pero sa kanila papunta yung pera mo)
“This is your moment!” (moment mo ngang maubos ipon mo)
“Limited slots!” (pero every month merong ganito ulit)
π TICKETS NA KAPAG BINILI MO, PARANG BINILI MO NA RIN YUNG SARILI MO:
π’ PANGMASA PASS – ₱5,999
✅ Pasok ka sa venue!
✅ Libre selfie sa backdrop!
✅ May ballpen ka pang uuwi — perfect panglista ng utang pagkatapos.
π‘ VIP IWAS-POBRE PASS – ₱24,999
✅ Mas malapit ka sa hype.
✅ Mas malakas ang audio ng brainwash.
✅ May fake "Certificate of Success" — na ikaw ang nagbayad para makuha.
π΄ ULTRA ELITE DINNER W/ THE BUDOL MASTERS – ₱499,999
✅ Makakakain ka ng wagyu... habang niluluto wallet mo.
✅ Pwede kang magtanong — sagot lagi: "Mindset mo kasi ang problema."
✅ Exclusive photo-op na caption mo: "Surround yourself with people richer than you." (Sila ‘yun, ikaw yung pinaikot.)
π LEGACY AWARD (INSTANT BILLIONAIRE PACKAGE) – ₱999,999
✅ May trophy ka na... kahit wala ka pang negosyo.
✅ May documentary ka pa: "My journey to success" (a.k.a. My journey to pagkabaon sa utang).
✅ May drone shot habang kumakaway ka na parang nanalo sa lotto — pero ang totoong nanalo: sila.
π₯ POCHOLOGY MIC DROP:
Hindi ka yumaman kasi nag-invest ka. Yumaman sila kasi ikaw ang nag-invest sa kanila.
Kapag ang success ay binebenta na parang promo ng appliance center — HINDI YAN SUCCESS, BUDOL YAN. π
0 Comments