Creative Wake-Up Call: AI Is Here — Adapt or Disappear by 2030

Creative Wake-Up Call: AI Is Here — Adapt or Disappear by 2030

Great Day! Mabuhay!

Mark my words, mga Ka-Kreatives…

By 2030, tapos na ang maliligayang araw ng mga animation studios, production houses, recording studios, at music companies na hindi marunong mag-adapt.

Hindi dahil nawala ang demand—kundi dahil tinulugan nila ang pagbabago.

AI is not coming... AI is already here.

Habang sila’y abala pa rin sa mga lumang proseso, may mga batang creator na sa kwarto lang gumagawa ng buong pelikula gamit ang AI. May podcaster na, may animator na, may recording engineer pa—isa lang ang tao, pero parang isang buong kumpanya ang output.

Ito ang bagong rebolusyon. Ito ang panahon ng mga “Creative Superhumans.”

Kung ayaw mong maging obsolete tulad ng VHS at typewriter, ngayon na ang oras para gumising at matutong makipagsayaw sa AI.

Hindi ito kalaban—ito ang bagong kapareha sa paggawa ng sining.

So here’s the truth:

Adapt, collaborate, or disappear.

This is not just a warning. This is your wake-up call.

Ako si Pocholo De Leon Gonzales, The VoiceMaster—at gaya ng dati… nauna lang ako magsabi.

0 Comments